Taekwondo Summer Sports Clinic, pormal na binuksan ng PRO2

0
54

Pormal nang binuksan ang Taekwondo Summer Sports Clinic sa ginanap na opening ceremony sa PRO2 Covered Court, Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City nitong ika-18 ng Mayo, 2026.

Pinangunahan nina PBGen Mariano C. Rodriguez, Acting Regional Director ng PRO2, kasama ang kanyang maybahay na si Ms. Beverly C. Rodriguez, Adviser ng PRO2 OLC Foundation Inc., ang nasabing aktibidad na dinaluhan ng mga kalahok at pamilya ng mga personnel ng PRO2.

Ang naturang sports clinic ay inilunsad ng PRO2 OLC Foundation Inc. at nilahukan ng mga dependents ng mga personnel ng PRO2. Layunin nitong isulong ang physical fitness, disiplina, self-confidence, at sportsmanship ng mga kabataan sa pamamagitan ng martial arts training gaya ng taekwondo.

Layunin ng nasabing programa na mahubog ang disiplina, kumpiyansa sa sarili, at sportsmanship ng mga kabataan, kasabay ng pagpapatibay ng samahan at pakikipag-ugnayan ng mga pamilya ng PRO2 sa pamamagitan ng mga makabuluhang aktibidad na nagsusulong ng kalusugan, pagkakaisa, at positibong paghubog sa kabataan ng Lambak ng Cagayan.

Source: PRO2

Panulat ni Pat Leinee C Lorenzo

Leave a Reply