Sta. Catalina, Negros Oriental – Inilunsad ng mga miyembro ng 705th Mobile Company ng Regional Mobile Force Battalion 7 ang Piggery Livelihood Program ng PNP sa Brgy. Nagbinlod,Sta. Catalina nito lamang Lunes, ika-18 ng Abril 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan nina Police Lieutenant Venstine Bontilao at Police Lieutenant Alfredo Liguayan Jr, sa pangangasiwa ni Police Captain Jade Asiong Basingao, 705th Company Commander; at dinaluhan ng mga miyembro ng dalawang samahan ng mga mambubukid ang KAHASFA (Kanggabok Halway Small Farmers Association) at TUPFA (Tulatulahan Payawpayawan Farmers Association) na siyang naging benepisyaryo ng nasabing programa.
Layon ng nasabing programa na matulungan ang ating mga kababayan lalo na ang mga maliliit na magsasaka at mabigyan ang mga ito ng isang hanapbuhay na maaaring gamitin bilang kanilang panimula.
Lubos naman ang tuwa at pasasalamat ng mga tumanggap sa handog na mga biik mula sa nasabing programa.
Ang nasabing aktibidad ay isa sa mga paraan ng mga miyembro ng PNP upang maihatid ang tulong mula sa pamahalaan at maiparamdam ang pagkalinga at pagmamahal sa ating mga kababayan.
###