Davao del Norte – Matagumpay na naiturn-over ang Php300,000 halaga ng pangkabuhayan para sa mga residente sa Purok 01, Kasilak, Panabo City, Davao del Norte noong Abril 18, 2022.
Ang Rice Retailing and Wholesaling Merchandise ay ipinagkaloob sa Kasilak Integrated Farmers Association (KIFA) sa tulong ng Revitalized-Pulis sa Barangay, na mula naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang nasabing asosasyon ay inorganisa ng R-PSB sa pangunguna ni PLt Francisco Caslib, Team Leader upang makatulong sa kabuhayan ng mga miyembro nito.
Nag-uumapaw ang pasasalamat ng mga miyembro nito sa R-PSB Cluster 2B Team 1 at sa iba pang ahensya ng gobyerno na naging instrumento upang sa wakas ay maisakatuparan ang nasabing proyekto.
Layunin ng aktibidad na mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga residente sa nasabing barangay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga oportunidad at kabuhayan na makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ito ay naging posible sa suporta ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pagsasakatuparan ng layunin ng EO 70 National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pamamagitan ng paghahatid ng mga serbisyo ng pamahalaan sa komunidad.
###
Panulat ni Patrolwoman Rose Ann M Delmita
Tunay n may puso at malasakit ang PNP