Maramag, Bukidnon – Arestado ang wanted person ng Bukidnon sa kasong RA 9262 ng Bukidnon PNP nito lamang Lunes, Abril 18, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Julius Clark Macariolo IV, Officer-in-Charge ng Maramag Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si Ferdinand Bonda Sr, 53, residente ng Purok 21A, Dologon, Maramag, Bukidnon.
Ayon kay PLtCol Macariolo, bandang 7:00 ng umaga naaresto si Bonda sa nasabing barangay ng operatiba ng Maramag Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children.
Ang Maramag MPS ay patuloy na pananagutin ang sinumang lalabag sa batas at pananatilihin ang kapayapaan sa kanilang nasasakupan.
Source: Maramag Municipal Police Station
###
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10
Husay talaga ng PNP salamat