Off-duty na pulis, agarang tumugon sa vehicular accident sa Pasig City

0
611

Ipinamalas ng isang pulis ang tunay na diwa ng pagiging lingkod-bayan at huwarang “Blue Exemplar” nang siya ay agarang tumulong sa insidente ng vehicular accident na naganap sa kahabaan ng Sandoval Avenue corner Illugin St., Pinagbuhatan, Pasig City bandang 9:30 ng gabi noong Mayo 11, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Aden T Lagradante, District Director ng Eastern Police District, ang pulis na si Police Senior Master Sergeant (PSMS) Raymond I Dionglay, na nakatalaga sa DCADD, EPD.

Nabatid na off-duty at pauwi na mula sa trabaho nang nangyari ang vehicular accident at hindi ito nag-atubiling rumesponde at magbigay ng agarang assistance sa mga sangkot sa side swipe collision ng dalawang motorsiklo.

Ang kanyang malasakit, mabilis na pag-aksyon, at dedikasyon sa tungkulin ay patunay ng kanyang katapatan sa serbisyo publiko at nagsisilbing inspirasyon sa kapwa kawani ng EPD at sa komunidad na may layunin na maghatid ng serbisyo publiko dahil sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman”.

Source: Eastern Police District

Panulat ni PMSg Grace Ortiz

Leave a Reply