Abuyog, Leyte – Patuloy pa rin ang mga tauhan ng Leyte Police Provincial Office sa paghahatid ng tulong at pagbibigay ng pangunahing pangangailangan para sa mga lubos na naapektuhan ng bagyong Agaton, nito lamang Linggo, Abril 17, 2022.
Pinangunahan ni Police Colonel Edwin Balles, Provincial Director ng LPPO at mga tauhan nito ang pamamahagi ng samu’t saring gamit sa bahay tulad ng mga balde, palanggana, hanger, dippers, food packs para sa matatanda at sari-saring sweets at regalo para sa mga bata sa mga apektadong residente ng Brgy. Balocawehay, Abuyog, Leyte.
Ayon pa kay PCol Balles, ang mga nabahagian ng tulong ay ang mga evacuees na pansamantalang naninirahan sa St. Francis Xavier Parish.
Ang Eastern Visayas PNP ay patuloy na magbibigay tulong sa mga apektado ng bagyong Agaton at tutulungang bumangon muli sa unos na kanilang dinanas.
###