Makati City – Arestado ang Top 7 Most Wanted Person sa 2nd Quarter ng 2022 sa kasong Qualified Theft nito lamang Sabado, Abril 16, 2022.
Kinilala ni PBGen Jimili Macaraeg, District Director ng Southern Police Director, ang suspek na si Rafael Casag y Tauruc, 39.
Ayon kay PBGen Macaraeg, bandang 1:25 PM nang maaresto si Casag sa Lawton Ave. Barangay Northside, Makati City ng pinagsamang puwersa ng Warrant and Subpoena Unit personnel at Station Intelligence Section.
Ayon pa kay PBGen Macaraeg, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Qualified Theft na may rekomendadong piyansa na Php40,000.
Source: SPD-PIO
###
Panulat ni NUP Loreto B Concepcion