Timbog ang riding-in-tandem at nasabat ang umabot sa Php102,000 halaga ng shabu sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Pasig City Police Station sa tulong ng Barangay Security Force (BSF) sa ikinasang Oplan Sita sa Pioneer Street, Pasig City nito lamang Mayo 1, 2026.
Ayon kay Police Brigadier General Aden T Lagradante, District Director, Eastern Police District, naharang ng Pasig Tactical Motorcycle Reaction Unit, katuwang ang BSF, ang dalawang suspek na sakay ng isang blue Yamaha Aerox motorcycle na nagtangkang iwasan ang kapulisan kaya nagkaroon ng habulan at bumangga ang motor sa isa pang motor.
Nang nagkaroon ng procedural search ay tumambad sa pulisya ang isang caliber .22 at isang caliber .45 pistol, na may lamang magazine at pitong bala, isang hand grenade, at tatlong heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php102,000 mula sa mga suspek na sina alyas “Dexter”, 30 anyos, lalaki at alyas “Christian”, 22 anyos at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (illegal drugs), RA 10591 (Illegal position of firearms), RA 9516 (illegal possession of explosives), disobedience to a person in authority, reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to property.
“I commend the coordinated response of our operating units and the BSF, which led to the immediate arrest of the suspects. The Eastern Police District remains firm in its commitment to intensifying law enforcement operations against individuals who threaten public safety. We assure the public that we will continue to pursue aggressive yet lawful actions to maintain peace and order in our communities,” saad ni PBGen Lagradante.
Tiniyak ng kapulisan na mananatili silang mapagbantay at determinado sa pagpuksa sa ganitong uri ng krimen, alinsunod sa kanilang layuning mapanatili ang kaayusan at maprotektahan ang kapakanan ng bawat mamamayan na naaayon sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”.



