Php31.36M halaga ng marijuana, binunot at sinunog ng PRO CAR

0
120

Umabot sa Php31,360,000 halaga ng mga tanim na marijuana ang nadiskubre, binunot at sinunog sa isinagawang marijuana eradication operation ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) sa Mount Makago-ong sa boundary ng Brgy. Saclit, Sadanga, Mountain Province, at Brgy. Buscalan, Tinglayan, Kalinga noong ika-1 ng Mayo 2026.

Ayon kay Police Brigadier General Ericson D Dilag, Regional Director ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region, nadiskubre ang apat na plantasyon ng marijuana na natamnan ng 140,000 fully grown marijuana plants na may Standard Drug Price (SDP) na Php28,000,000 at 84,000 marijuana seedlings na may SDP na Php3,360,000 sa bahagi ng Mt. Makago-ong na dati nang nasunog dahil sa forest fire. Agad na binunot at sinira sa mismong lugar ang mga nadiskubreng tanim ng marijuana.

Ang matagumpay na operasyon ay pinangunahan ni Police Colonel Ledon D Monte, Deputy Regional Director for Operations ng PRO CAR, katuwang ang iba’t ibang yunit ng Mountain Province PPO Provincial Headquarters, Sadanga Municipal Police Station, Sagada MPS, Regional Intelligence Unit-14, Regional Intelligence Division at Regional Community Affairs and Development Division ng PRO CAR, Regional Mobile Force Battalion 15, Provincial EOD and Canine Unit ng Mountain Province, 1st at 2nd Mountain Province Provincial Mobile Force Companies , 2nd Benguet PMFC, 2nd Kalinga PMFC, at Philippine Drug Enforcement Agency-Mountain Province.

Patuloy naman ang panawagan ng PRO CAR sa publiko na makiisa sa kampanya kontra iligal na droga at aktibong makibahagi sa pagprotekta sa ating kapaligiran para sa ikabubuti ng susunod na henerasyon, kaakibat ang pagsasabuhay sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply