Cebu City – Nasakote ang lalaking suspek sa basag kotse sa isinagawang operasyon ng Mambaling PNP nito lamang Linggo, Abril 17, 2022.
Kinilala ni PMaj Dindo Juanito Alaras, Hepe ng Mambaling Police Station, Cebu City Police Office, ang naarestong suspek na si Allan Sabredo Perales alyas “Lan”, 39, residente ng Barangay Bulacao Pardo, Cebu City at kabilang sa Drug Watch List ng nasabing istayon.
Ayon kay PMaj Alaras, nahuli si Perales bandang 7:50 ng gabi sa Barangay Bulacao, Pardo, Cebu ng mga operatiba ng Mambaling MPS matapos makumpirma ang ulat na natanggap mula sa isang concerned citizen na may armadong indibidwal sa nasabing lugar.
Ayon pa kay PMaj Alaras, nakuha mula sa suspek ang dalawang piraso ng medium heat-sealed transparent plastic ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 10 gramo at may Standard Drug Price na Php68,000; isang unit ng Caliber Revolver (Frontier); dalawang live ammunition; at sling bag.
Samantala, napag-alaman na ang suspek ang nasa likod ng nag-viral kamakailan sa social media matapos makunan ng closed-circuit television (CCTV) camera kung saan binasag ng nasabing suspek ang bintana ng sasakyan at dumukot ng mga mahahalagang gamit sa loob nito.
Nahaharap ang naturang suspek sa mga kasong paglabag sa R.A. 10591, COMELEC Resolution No. 10728 (Gun Ban) and Sec. 11, Art. II of R.A. 9165.
Ang matagumpay na pagkadakip ng suspek ay bunga ng maayos na ugnayan ng komunidad at ng mga awtoridad. Ito’y patunay na ang pakikipagtulungan at pakikiisa ng mamamayan ay napakahalaga sa kapulisan nang mapabilis ang pagkatunton at pagkahuli ng bawat personalidad na may pananagutan sa batas.
###
Panulat ni Patrolwoman Jenilyn C Consul