Valladolid, Negros Occidental – Nagsagawa ng Bike for Peace para sa Secure, Accurate, Free and Fair Election (SAFE) National and Local Elections 2022 ang Valladolid PNP sa probinsya ng Negros Occidental nito lamang Sabado, Abril 16, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Wilfredo Benoman Jr, Hepe ng Valladolid Municipal Police Station katuwang ang Valladolid United Biker’s Association, kasama ang mga tauhan ng Commission on Elections sa pangunguna ni Mr. Elmer Era, Election Officer III, at ng mga local candidates at ng kanilang mga tagasuporta.
Layunin ng nasabing gawain na hikayatin ang publiko na makiisa sa pagpapanatili ng mapayapa, ligtas at matiwasay na halalan sa darating na Mayo 9, 2022.
###
God bless sa lahat ng mga kapulisan