Php68M halaga ng shabu, nasabat sa Pagadian City; bao-bao driver, nasakote

0
40

Nasabat ang nasa Php68 milyong halaga ng shabu, na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang bao-bao driver sa ikinasang routine checkpoint operation ng mga awtoridad sa Barangay Buenavista, Pagadian City, Zamboanga del Sur, nito lamang Lunes, Abril 28, 2026.

Kinilala ni Police Major Jason Ray Z. Gomera, Team Leader ng Provincial Highway Patrol Team–Zamboanga del Sur, ang suspek na si alyas “Jomar”, residente ng Esteros Street, Cotabato City, na nakuhanan ng 10 plastic packs na bawat isa ay tumitimbang ng isang kilo na may laman na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php68 milyon at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

“This is part of our sustained campaign not only against illegal drugs but also against all forms of criminality on our highways,” saad ni PMaj Gomera.

Leave a Reply