Jordan, Guimaras – Arestado ng mga tauhan ng Jordan PNP ang isang lalake matapos itong ilegal na nagpaputok ng baril, bandang umaga nitong Sabado, Abril 16, 2022 sa Jordan, Guimaras.
Kinilala ni Police Major John Van Herson Luspo, Officer-in-Charge ng Jordan MPS, ang suspek na si Ramon Gagnao y Gania, 69, isang retired Brgy. Tanod at residente ng Sitio Ambak Tubig, Brgy. Bugnay, Jordan.
Ayon kay Police Major Luspo, nakatanggap sila ng tawag na may nagpaputok ng baril sa nasabing lugar. Agad naman itong pinuntahan ng kapulisan at nahuli sa akto ang suspek na hawak-hawak pa ang kanyang baril.
Nakumpiska sa suspek ang isang .38 caliber revolver (homemade) at dalawang fired cartridge sa loob ng cylinder.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 in relation to COMELEC Resolution No. 10728 or other known as COMELEC Gun Ban.
Samantala, wala namang nangyaring anumang paglabag sa karapatang pantao sa suspek nang ito ay inaresto ng ating kapulisan.
###