Naaresto ng kapulisan ng Police Regional Office–Negros Island Region (PRO-NIR) ang Top 6 Most Wanted Persons (MWP) sa rehiyon sa ipinatupad na intelligence-driven manhunt operation sa Barangay Guinhalaran, Silay City, Negros Occidental nito lamang April 27, 2026.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Joem Malong, Chief ng Public Information Office ng PRO-NIR, ang suspek na may alyas na Ed, 43 taong gulang at residente ng Purok Paglaum, Barangay Guinhalaran, Silay City.
Naaresto ang suspek sa bisa ng multiple warrants of arrest dahil sa apat na bilang ng statutory rape na walang inirekomendang piyansa.
Isinagawa ang pag-aresto sa ilalim ng Coplan “Hook 5,” sa pangunguna ng Silay City Police Station ng Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO). Kasalukuyang nakadetain ang suspek sa custodial facility ng Silay City Police Station.
Dagdag pa ni PLtCol Malong na ipinapakita ng operasyon ang agresibong kampanya ng PRO-NIR sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Arnold Thomas C Ibay, Regional Director, upang hulihin ang lahat ng mga pugante sa pamamagitan ng epektibong mga intelligence operations sa iba’t ibang bahagi ng Negros Island Region.



