Php157K halaga ng shabu, nasabat ng Taguig City PNP; 3 indibidwal, arestado

0
423

Nasabat ang nasa Php157,760 halaga ng shabu na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong indibidwal sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Taguig City Police Station sa kahabaan ng Barangay New Lower Bicutan, Taguig City nito lamang Abril 27, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Glenn Oliver C Cinco, District Director ng Southern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Kevin,” 24 anyos, delivery rider; alyas “Michael,” 26 anyos, construction worker; at alyas “Kelly,” 21 anyos, walang trabaho, at pawang mga residente ng Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.

Narekober sa naturang operasyon ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 23.2 gramo na nagkakahalaga ng Php157,760 at iba pang non-drug items.

Nahaharap sa kasong Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

“Patunay ito na epektibo ang ating tuloy-tuloy na police visibility at proactive patrolling sa pag-iwas sa krimen. Hinihikayat namin ang publiko na manatiling mapagmatyag at agad i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.” pahayag ni PBGen Cinco.

Leave a Reply