Motoristang tumirik ang sasakyan, agarang tinulungan ng Tabaco City PNP

0
764
Screenshot

Muling pinatunayan ng kapulisan sa Bikol ang kanilang kahandaan at malasakit sa publiko matapos agarang rumesponde ang isang pulis sa insidente ng tumirik na sasakyan sa national highway ng Barangay Tagas, Tabaco City noong Abril 23, 2026.

Bandang 6:20 ng gabi, isang multicab na bumibiyahe mula Barangay San Lorenzo patungong Malinao, Albay ang biglang tumirik malapit sa kinaroroonan ni Pat. Bornilla ng Tabaco City Police Station, na noon ay naka-duty sa isang establisimyento sa lugar.

Agad na rumesponde ang pulis at tinulungan ang driver na mailipat ang sasakyan sa ligtas na bahagi ng kalsada. Dahil sa mabilis na aksyon, naiwasan ang posibleng pagsikip ng daloy ng trapiko at napanatili ang kaligtasan ng mga motorista at ng mekanikong aayusin ang sasakyan.

Lubos ang pasasalamat ng driver sa ipinakitang malasakit at agarang pagtugon ng pulis, na naging malaking tulong sa kanya sa oras ng pangangailangan.

Ang simpleng aksyong ito ay patunay ng dedikasyon ng kapulisan na maglingkod nang higit sa inaasahan—isang konkretong halimbawa ng “Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Patuloy namang pinaiigting ng buong hanay ng Police Regional Office 5, sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Erosito N. Miranda, Regional Director, ang police visibility upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng publiko.

Leave a Reply