Patuloy ang ating hanay sa kampanya laban sa iligal na droga. Hinding-hindi tayo huminto sa pagsasagawa ng mga operasyon, bagkus ay lalo pa nating pinaiigting ang pagsasagawa nito. Nagkaroon man tayo ng pandemya pero hindi tayo tumigil para mahuli ang mga taong sangkot sa bentahan ng mga ipinagbabawal na droga.
Patunay dito ay ang matagumpay na operasyon laban sa iligal na droga ng ating mga pulis sa Central Luzon na kung saan ay mahigit 20 milyong halaga ng shabu ang kanilang nakumpiska mula sa dalawang big time dealers sa Nueva Ecija. Sa tulong ng PDEA at iba pang law enforcement agency, at sa impormasyon ng impormante ay naging matagumpay ang buy bust operation noong Abril 6, 2022 sa Barangay Sumacab Este, Cabanatuan City.
Maliban dito, naging matagumpay din ang operasyong isinagawa ng mga operatiba ng Cebu City Police Office kasama ang iba pang pulis sa pagkakakumpiska ng mahigit tatlong milyon halaga ng shabu mula sa tatlong high-value individuals sa barangay Guadalupe, Cebu City.
Samantala, naging matagumpay din ang isinagawang clearing operation ng clandestine marijuana platations sa Barangay Tulgao West, Tinglayan, Kalinga. Sa operasyon ito na isinagawa noong Abril 7, 2022 ay nasa 10,500 full grown marijuana plants, 15,000 grams ng marijuana plants dried plants, at 5,000 grams ng marijuana seeds mula sa 2,100 square meter, na may kabuuang halaga na mahigit apat na milyon, na nadikubre, sinira at sinunog ng pinagsanib na elemento ng pulisya sa PRO Cordillera at PDEA.
Nasundan pa ito ng kaparehong operasyon sa Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet noong Abril 10 na kung saan ay 30 kilo ng dried marijuana stalk na mayroong mahigit tatlong milyong halaga ang nadiskubre at sinunog ng Benguet 1st Provincial Mobile Force Company.
kasama rin sa ating accomplishment sa iligal na droga ng ating hanay ang matagumpay na buy bust operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PNP Drug Enforcement Group, PDEA NCR, Bureau of Customs, NCRPO Intel Division, at mga operatiba ng QCPD sa Corner Examiner Street, Quezon Avenue, Quezon City noong Abril 12. Mahigit 12 kilo ng shabu na may standard drug price na 81.6 milyong piso. Kinilala ang suspek na drug distributor sa Quezon City, Region 3 at Region 4A.
Ilan lang ito sa mga matatagumpay na operasyon ng ating hanay nitong nagdaang araw. patunay lamang ito na tuloy-tuloy tayo sa pagpuksa at paghuli sa mga taong sangkot sa iligal na droga. Ngunit, hindi natin maisasakatuparan ang mga ito kung hindi rin sa pakikipagtulungan ng ating mga kababayan.