Ipil, Zamboanga Sibugay – Tinatayang nasa Php5,266,000 halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat sa anti-smuggling operation ng Zamboanga PNP nitong Sabado, Abril 16, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Franco Simborio, Regional Director ng Police Regional Office 9, ang dalawang suspek na sina Hamid Laja Pallong, 32 at Radzmer Ainami, 17.
Ayon kay PBGen Simborio, bandang 5:20 ng hapon nang maaresto ang dalawang suspek sa Brgy. Caparan, Ipil, Zamboanga Sibugay ng pinagsanib na puwersa ng 903rd Regional Mobile Force Battalion 9, APC-Western Mindanao, Ipil Municipal Police Station at sa pakikipag-ugnayan sa Bureau of Customs.
Ayon pa kay PBGen Simborio, nasabat sa dalawang suspek ang mahigit kumulang 402 assorted cases ng smuggled cigarettes na may tinatayang halaga na Php5,266.000; isang Toyota Innova na may Plate Number P9Y617 na pagmamay-ari ni Milican Husain; isang Nissan Van na may Plate Number CBM 1801 na pagmamay-ari ng suspek na si Pallong.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy ang kampanya laban sa kriminalidad at patuloy ang pagtugis sa mga taong may atraso sa batas.
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz