Bagumbayan, Sultan Kudarat – Arestado ng mga alagad ng batas ang isang lalaki na may kasong panggagahasa, nito lamang Sabado, Abril 16, 2022.
Kinilala ni PMaj Ronalyn Domider, Officer-in-Charge ng Bagumbayan Municipal Police Station, ang suspek na si Michael Manandang y Diongal alias “Mike”, 20, residente ng Purok 1, Barangay Titulok, Bagumbayan, Sultan Kudarat.
Ayon kay PMaj Domider, bandang alas-2:45 ng hapon nang maaresto si Manandang sa Malingawon COMPAC, Brgy Biwang, Bagumbayan, Sultan Kudarat ng pinagsanib puwersa ng Bagumbayan MPS, CIDG 12 Sultan Kudarat PFU, RIDMD 12, Regional Intelligence Division 12 Tracker Team Delta, Sultan Kudarat Provincial Intelligence Unit, Sultan Kudarat Provincial Highway Patrol Team, 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company, 7th Infantry Battalion at 6th ID.
Dagdag pa ni PMaj Domider, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 3 counts of Rape na walang inirekomendang piyansa.
Sinisiguro naman ng Bagumbayan PNP sa pamumuno ni PMaj Domider, na mas paiigtingin ng kanilang himpilan ang kampanya laban sa kriminalidad para sa mas tahimik at maayos na pamayanan.
###
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay Medelin