Agusan del Norte – Arestado ang dalawang miyembro ng New People’s Army sa magkahiwalay na operasyon ng Caraga PNP nito lamang Abril 7, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Romeo Caramat Jr, Regional Director ng Police Regional Office 13, ang dalawang naaresto na sina Jemalyn Calinawan, 43, residente ng Brgy. Adlay, Carrascal, Surigao del Sur at Ernesto Hagonoy alyas “Kapwa”, 50, residente ng Sitio Anahawan, Brgy. Rojales, Carmen, Agusan del Norte.
Ayon kay PBGen Caramat, bandang 10:15 ng umaga ng maaresto si Calinawan sa mismong tinitirhan nito sa joint operation ng Regional Intelligence Unit; Provincial Intelligence Unit SDS; Placer Municipal Police Station; Carrascal Municipal Police Station at 4th Infantry Division ng Philippine Army.
Si Calinawan ay miyembro ng Squad 1, Sandatahang Yunit Pampropaganda, Guerilla Front-16, Sub-Regional Command Northland, North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).
Inaresto si Calinawan sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Multiple Frustrated Murder na may nirekomendang piyansa na Php200,000.
Ayon pa kay PBGen Caramat, bandang 11:20 ng umaga naman nang madakip si Hagonoy, sa pinagsanib na puwersa ng Regional Mobile Force Battalion 13 at Carmen Municipal Police Station.
Naaresto si Hagonoy sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa at sa kasong Arson na may nirekomendang piyansa na Php24,000.
“I commend all the members of PNP Caraga who took part in these two significant accomplishments. The arrest of these CTG members is a testament to the seriousness of our efforts in suppressing the terrorist group”, saad ni PBGen Caramat.
###
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan RPCADU13