Davao del Norte – Manu-manong isinagawa sa pamamagitan ng bayanihan ang daan na para sa mga katutubong Ata Manobo sa Sitio Mangga, Brgy. Magwawa, Santo Tomas, Davao del Norte, noong Abril 14, 2022.
Sa pangunguna ng Revitalized-Pulis sa Barangay katuwang ang mga residente ng nasabing lugar na kabilang sa katutubong Ata Manobo ay manu-manong isinaayos ang kanilang pathway na patungo sa kanilang Tribal House sa pamumuno ni PSMS Vilmer Ruel Velila, Team Leader.
Ito ay upang kahit papaano ay maibsan ang kanilang hirap at takot sa kanilang delikadong daan lalong lalo na sa tuwing umuulan na madalas nagiging dahilan ng pagkakahulog at pagkakadulas ng mga dumaraan dito.
Malaki naman ang naging pasasalamat ng mga katutubong Ata Manobo sa lugar dahil sa wakas ay magkakaroon na sila ng maayos na daan na malaking tulong sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
Layunin ng aktibidad na ito na maiwasan ang mga aksidente at matiyak ang kaligtasan ng mga residenteng dumadaan sa nasabing pathway.
###
Panulat ni Patrolwoman Rose Ann Delmita