Labo, Camarines Norte – Sumuko ang maglive-in partner na kapwa miyembro ng Communist Terrorist Group sa Labo PNP nitong Huwebes, Abril 14, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Juancho Ibis, Chief of Police ng Labo Municipal Police Station, ang maglive-in partner na sina alyas “Nogs”, 59 at alyas “Charie”, 57, miyembro ng Larangan 1, Komite ng Probinsya 1, at residente ng Barangay Daguit, Labo, Camarines Norte.
Ayon kay PLtCol Ibis, sumuko ang maglive-in partner sa nasabing barangay sa pakikipag-ugnayan sa Labo Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit Camarines Norte, National Intelligence Coordinating Agency, Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company, Camarines Norte 1st Mobile Force Company, 9th IB 9th ID Philippine Army, 902nd ID Philippine Army, Regional Intelligence Unit, Regional Intelligence Division at Regional Special Operation Unit 5.
Ayon pa kay PLtCol Ibis, isinuko ng maglive-in partner ang isang unit ng Caliber 45, isang magazine, limang bala, dalawang piraso ng IED, apat na piraso ng blasting cap at tatlong piraso ng pampasabog na kilala sa tawag na bigas-bigas.
Ang PNP ay hinihikayat ang mga mamamayan sa Camarines Norte na wakasan na ang insurhensiya sa pamamagitan ng pagsuko sa PNP at kasundaluhan para sa malaya, tahimik at maayos na pamumuhay kapiling ang pamilya.
Source: Labo MPS
###
Panulat ni Patrolman Jomar Danao