Tuao, Cagayan – Nagsagawa ang Tuao PNP ng Clean-Up Drive at Tree Planting sa Pata, Tuao, Cagayan, noong Miyerkules, ika-14 ng Abril 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Jennifer Calauad, Deputy Chief of Police, Tuao Police Station katuwang ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo Tuao Chapter, mga opisyales at mga residente ng nasabing barangay.
Namulot ang mga grupo ng mga nakakalat na basura sa dalampasigan ng Ilog Cagayan at nagtanim din sila ng 250 Bamboo tree seedlings.
Ang aktibidad na ito ay kaugnay ng I Love Cagayan River (Seedlings of Love) at ang Clean and Green: CPPO Dream program na pinasimulan ng Cagayan Police Provincial Office at isa sa mga organizational core values ng PNP na “Makakalikasan”.
Hinihikayat ng PNP ang mga mamamayan na protektahan at alagaan ang kalikasan para sa malinis at maayos na kapaligiran upang maiwasan ang mabilis na pagbaha, landslide o pagguho ng lupa at global warming.
Source: Tuao PNP PCR
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin