San Mateo, Rizal – Tinatayang Php108,800 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek sa buy-bust operation ng PNP nitong Huwebes, Abril 14, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang mga suspek na sina Ansel Jay Samson y Eugenio, alyas Jay, 34, residente ng #4 Zuñiga Street, Barangay Sta. Ana, San Mateo, Rizal; Reynand Buella y Lorenzo, alyas Ynan, 31, residente ng Lopez Jaena St., Brgy. Dulong Bayan 1, San Mateo, Rizal at Donita Ramos y Aquino alyas Ash, 18, residente ng #198, Sitio Libis, Brgy. Rosario, Rodriguez, Rizal.
Ayon kay Police Colonel Baccay, bandang 9:55 ng umaga naaresto ang mga suspek sa Lopez Jaena Street. Brgy. Dulong Bayan 1, San Mateo, Rizal sa buy-bust operation ng Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit.
Ayon pa kay Police Colonel Baccay, nakumpiska mula sa mga suspek ang walong pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na may kabuuang timbang na 16 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php108,800, isang Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money, tatlong Php100 bill at isang pirasong coin purse.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP ay patuloy na paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon