Negros Oriental – Narekober ang isang patay na miyembro ng Communist Terrorist Group sa engkwentro sa pagitan ng nasabing teroristang grupo at tropa ng Kasundaluhan ng 11 Infantry Battalion-Philippine Army sa Sibulan, Negros Oriental bandang alas 8:00 ng umaga ng ika-14 ng Abril, 2022.
Nakatanggap ng Intelligence Report ang RMFB 7 705th Maneuver Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ronan Claravall sa nakitang isang katawang wala ng buhay sa Sitio Tulong, Brgy. Talalak, Sta. Catalina, Negros Oriental.
Agad namang pinuntahan ang nasabing lugar kasama ang 11 Infantry Battalion-Philippine Army; Sta. Catalina Municipal Police Station at NOPFU upang magsagawa ng follow-up clearing operation.
Kinilala ang isang bangkay na si Jonard Salo a.k.a Lino/Niko na dinala sa St. Peter Funeral Home sa Bayawan City, Negros Oriental.
Patuloy pa rin ang pagsagawa ng operasyon ng Pambansang Pulisya at Philippine Army para tugisin at tuluyan ng matapos ang pamemerwisyo at panggugulo ng mga teroristang grupo.
Nagpapatunay lamang ito na ang taong bayan na mismo ang umaayaw sa kanila at hindi magtatagal ay tuluyan silang hihina at mauubos sa labanan.
Muli, ang pamunuan ng RMFB 7 at ang pamahalaan ay patuloy na nananawagan sa mga miyembro ng komunistang teroristang grupo na sumuko na lamang para hindi masasayang ang inyong buhay sa pakikipaglaban sa maling ideolohiya at paniniwala.
Source: RMFB 7
###