San Pedro, Laguna – Namahagi ng food packs ang San Pedro PNP sa Brgy. Maharlika, City of San Pedro, bandang 9:00 ng umaga nitong Miyerkules, Abril 13, 2022.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Sacrates Jaca, Acting Chief of Police ng San Pedro City Police Station katuwang ang mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology.
Higit 30 na trycicle drivers ang nabiyayaan ng food packs na naglalaman ng bigas at gatas.
Layunin ng aktibidad na tulungan at bigyan ng pangunahing serbisyo ang kababayang lubos na naapektuhan sa laganap na pandemya.
###
Panulat ni Patrolman Mark Lawrence S. Atencio