Saturday, November 30, 2024

Kapitan ng barangay patay matapos pagbabarilin sa sariling tahanan sa Davao Oriental

Davao Oriental – Patay ang isang Barangay Captain matapos pagbabarilin sa sariling tahanan nito sa Brgy. Matiao, Mati City, Davao Oriental nito lamang Abril 13, 2022.

Kinilala ni PLtCol Ernesto Gregore, Chief of Police ng Mati CPS ang biktima na si Ronnie Palma Gil Valera, 57, residente ng Purok Matahimi-1, Brgy. Matiao, Mati City, Davao Oriental, Punong Barangay sa nasabing lugar.

Ayon kay PLtCol Gregore, nagtamo ng tama sa ulo ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.

Ayon pa kay PLtCol Gregore, base sa testimonya ng isang saksi, ang dalawang hindi pa tukoy na suspek ay lulan ng isang sasakyan habang ang dalawang iba pa ay sakay naman ng isang motorsiklo na pumarada umano sa mismong harapan ng bahay ng biktima at doon nakarinig ng mga putok ng baril.

Dagdag pa ni PLtCol Gregore, nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng bala na .45 caliber pistol at isang 9mm na baril na may siyam na bala na pagmamay-ari ng biktima.

Patuloy naman na inaalam ng Mati CPS ang motibo ng nasabing insidente.

Samantala, agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang PNP sa pakikipagtulungan sa 2nd Davao Oriental Provincial Mobile Force Company at AFP upang mapabilis ang pagtukoy at pagdakip sa mga suspek.

Inatasan naman ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director na tutukan ang kaso upang madakip at mapanagot ang mga nasabing suspek.

###

Panulat ni Patrolman Alfred Vergara

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles