Marantao, Lanao del Sur – Inilunsad ng Marantao PNP ang KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) para sa Secure, Accurate, Free and Fair Election (SAFE) 2022 sa Marantao, Lanao del Sur nito lamang Huwebes, Abril 14, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Bobby Mario Egera, Acting Chief of Police, Marantao MPS na dinaluhan nina Lieutenant Colonel Don Villanueva, Commanding Officer 55th Infantry Battalion, Philippine Army; Acting Election Officer Sukarno Magarang; at Al-Widad Basher, Municipal Advisory Council Member.
Tampok sa aktibidad ang pinning of Safe Pin, signing of Integrity Pledge para sa mga kandidato at ang Commitment Pledge ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, Religious Leaders, Commission on Elections at ng komunidad para sa maayos at ligtas na pagsasagawa ng halalan.
Ayon kay PMaj Egera, ang Marantao PNP ay patuloy na magiging apolitical at hindi kailanman mag-eendorso ng anumang partidong pulitikal o kandidato sa anumang posisyon sa halalan.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz