Malitbog, Bukidnon – Nagsagawa ng Community Outreach Program para sa biktima ng bagyong Odette ang Police Regional Office 10 sa Sitio Manangisyao, Barangay Siloo, Malitbog, Bukidnon nito lamang Martes Abril 12, 2022.
Ang programa ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Gerry Ligan, Acting Deputy Chief ng Regional Community Affairs and Development Division katuwang ang Regional Medical and Dental Unit 10; Malitbog Municipal Police Station; Bukidnon Police Provincial Office, Armed Forces of the Philippines, National Intelligence Unit 10 at Faith-Based Advocacy Group.
Nagkaroon ng Lecture si Mr. Mon Lopez, Assistant Regional Director, National Intelligence Coordinating Agency 10 tungkol sa maling ideolohiya ng Communist Terrorist Group. Kasama din sa lecture kung paano manlinlang upang manghikayat na sumanib ang ordinaryong Pilipino at kung paano pinagsasamantalahan ng makakaliwang grupo ang ating mga kapatid na Indigenous Peoples (IPs).
Namahagi din ng foodpacks, damit, walis, at 93 pares ng tsinelas para sa mga kabataan.
Nasa 74 benepisyaryo na biktima ng bagyong Odette ang nabiyayaan ng tulong mula sa Pambansang Pulisya ng Rehiyon 10.
Ang layunin ng programa ay maihatid ang tulong at serbisyo publiko ng Police Regional Office 10 para sa lahat ng nangangailangan ng tulong sa kanilang nasasakupan.
###
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10