Gonzaga, Cagayan – Nagsagawa ng Tree Planting Activity at Coastal Clean-up Drive ang Gonzaga PNP sa Barangay Caroan Gonzaga, Cagayan noong Abril 12, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Gary Macadangdang, Chief of Police ng Gonzaga Municipal Police Station katuwang ang mga Advocacy Support Groups.
Umabot sa 150 Bani Tree seedlings ang naitanim at namulot ng mga basura sa tabing ilog na nasasakupan ng nabanggit na lugar.
Matagumpay na naisagawa ang aktibidad sa pakikiisa at pagsisikap ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), mga guro ng Caroan Elementary School, Barangay Based Advocacy, Kaligkasan Advocacy Support Group at mga On-the-Job Trainee students mula Cagayan State University-Gonzaga Campus.
Ang naturang aktibidad ay alinsunod sa PNP Core Values na Makakalikasan at kaugnay din ito sa I Love Cagayan River Movement na may temang “Seedlings of Hope” ng Valley Cops.
Hinihikayat ng PNP ang komunidad na patuloy na makiisa at makilahok sa mga programang ilulunsad ng pamahalaan upang mapanatili ang kagandahan at kasaganaan ng likas na yaman sa bansa.
Source: Gonzaga PS
###
Panulat ni Patrolwoman Juliet Dayag