Arestado ang dalawang (2) Most Wanted ng Porac, Pampanga at Concepcion Tarlac sa magkahiwalay na manhunt operation na isinagawa ng kapulisan noong Oktubre 10 at 11 ng taong kasalukuyan.
Ayon sa ulat, bandang alas 10:00 ng umaga ng Oktubre 10, nang ikinasa ng Porac MPS ang isang manhunt operation sa Sitio Baidbid Brgy. Sepung Bulaun, Porac, Pampanga na nagresulta sa pagkakaaresto kay Erwin Rosanto y Mercado, 38 taong gulang, security guard, may asawa, at residente ng nasabing lugar. Ang pagkakaaresto ng suspek ay sa pamamagitan ng alias Warrant of Arrest para sa paglabag sa Art. 266 – A at Art. 336 ng RPC na may Criminal Case Nos. R – ANG-21-02724 to 02725 -CR na inisyu ni Judge Katrina Nora S. Buan – Factora, Presiding Judge, Br. 10, Family Court, Regional Trial Court, Angeles City noong September 22, 2021 at may rekomendadong piyansa na Php170,000.
Samantala, ayon sa report ni Police Colonel Renante Cabico, Provincial Director, Tarlac Police Provincial Office, bandang 12:05 ng tanghali ng Oktubre 11, arestado rin ang isa pang Most Wanted ng Concepcion, Tarlac sa ikinasang manhunt operation ng pinagsamang pwersa ng Concepcion MPS, 1st PMFC TPPO, CIDG PFU3 Tarlac, 304th RMFB, PSOTG-PIU, at PIDMB sa Brgy. Santiago, Concepcion, Tarlac. Kinilala ang suspek na si Irish Kristhel Barsenas y Basa, 26 taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. Tabun, Mabalacat City, Pampanga. Ang kanyang pagkakaaresto ay sa bisa ng Alias Warrant of Arrest para sa kasong Attempted Homicide at Light Threats na may Criminal Case Nos. 178 and 179-20 na inisyu ni Judge ANTONIO M. PANGAN, Presiding Judge ng 2nd MCTC OF Capas-Bamban-Concepcion Capas, Tarlac noong August 26, 2021 at may rekomendadong piyansa na Php36,000 at Php2,000.
Photo Courtesy by PRO3 RPIO
####
Article by Patrolman Michael John D Delos Santos