Lantawan, Basilan – Inilunsad ng Lantawan PNP ang KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) para sa Secure, Accurate, Free and Fair Election (SAFE) National and Local Elections (NLE) 2022 sa Brgy Matarling, Lantawan, Basilan noong Abril 12, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Nasser Maruji, Chief of Police ng Lantawan MPS, at dinaluhan din ng Basilan Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Pedro Martirez Jr. kasama si Police Lieutenant Colonel Javer Muin, Chief, PCADU, Basilan PPO.
Nakiisa din sa aktibidad ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno mula sa Commission on Elections, Armed Forces of the Philippines, Department of Information and Communications Technology, Department of Education, Parish Pastoral Council for Responsible Voting, Ministry of the Interior and Local Government, Bureau of Fire Protection, Religious sector, stakeholders at mga political candidate.
Ang tampok ng aktibidad ay ang Inter-Faith Prayer, pagsisindi ng kandila, pag-ipit ng SAFE pin at peace covenant signing.
Samantala, makakaasa ang mamamayang Pilipino na ang ating Pambansang Pulisya ay handang magsilbi upang magkaroon ng malinis at mapayapang halalan sa darating na Mayo 2022.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz