Project 4, Quezon City — Kulungan ang bagsak ng tinaguriang Top 1 Most Wanted Person ng Project 4 Police Station-QCPD sa kasong Robbery nitong Miyerkules, Abril 12, 2022.
Kinilala ni Station Commander Police Lieutenant Colonel Imelda Reyes ng Project 4 PS ang suspek na si Mon Argel Bacoy y Alday, 37, residente ng Brgy. Escopa 4, Project 4, Quezon City.
Ayon kay PLtCol Reyes, nahuli si Bacoy dakong alas-8:30 ng umaga sa Libis Topside, Brgy. Escopa 4, Project 4, Quezon City.
Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang nadakip na suspek at nahaharap sa inihaing kaso ng korte.
Sinigurado naman ni Colonel Reyes na gagawin nila ang kanilang mandato sa pagtupad sa kanilang tungkulin upang mabigyang hustisya ang mga biktima ng pagnanakaw o anumang krimen at pang-aabuso.
Source: QCPD PIO
###
Panulat ni PEMS Ronald Condes
Good job PNP saludo kami