Tagkawayan, Quezon – Nagsagawa ng bloodletting activity ang Tagkawayan PNP na ginanap sa Tagkawayan Covered Court at Brgy. Poblacion, Tagkawayan, Quezon nitong Martes, Abril 12, 2022.
Pinamunuan ni Police Major Marcelino Platino, Chief of Police ng Tagkawayan Municipal Police Station, ang nasabing aktibidad katulong ang mga kawani ng Municipal Health Office at Quezon Council.
Labinlimang PNP personnel ng Tagkawayan Municipal Police Station na pinangunahan ni Police Master Sergeant Joe Razon ang boluntaryong nagdonate ng kanilang dugo sa kabuuang 103 na volunteer kabilang ang Local Government Units at Non-Government Organization ng munisipalidad.
Ayon kay Police Major Platino, ang aktibidad ay priority project ng Tagkawayan sa ilalim ni Mayor Carlo Eleazar at Vice Mayor Danny Liwanag.
Layunin nito na mapaabot ang tulong sa mga mamamayan na may malubhang karamdaman na nangangailangan ng dugo upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
Ang PNP ay magpapatuloy na magsasagawa ng ganitong aktibidad upang mapaabot sa mamamayan ang serbisyo publiko.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon