Mahigit Php8M halaga ng marijuana, nadiskubre sa Benguet

0
155

Nadiskubre ng mga operatiba ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region ang mahigit Php8 milyong halaga ng marijuana sa isinagawang isang araw na eradication operations sa lalawigan ng Benguet noong Marso 16, 2026.

Sa bayan ng Kibungan, nakumpiska ang tinatayang 9,000 Fully Grown Marijuana Plants (FGMJP) at 31,060 gramo ng pinatuyong marijuana stalks, dahon, at fruiting tops na may kabuuang Standard Drug Price (SDP) na Php5,527,200. Ang mga ito ay natagpuan sa Barangay Tacadang at Barangay Badeo.

Samantala, sa Barangay Gadang, Kapangan ay nadiskubre ang 9,400 FGMJP na may halagang Php1,880,000. Sa Barangay Kayapa, Bakun naman, natagpuan ang 3,000 FGMJP na may SDP na Php600,000.

Ayon sa ulat, naisakatuparan ang mga operasyon sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng iba’t ibang yunit, kabilang ang mga Municipal Police Station ng Kibungan, Bakun, at Kapangan; ang Provincial Drug Enforcement Unit at Provincial Intelligence Unit ng Benguet Police Provincial Office; ang 1st at 2nd Benguet Provincial Mobile Force Companies; Regional Mobile Force Battalion 15; Special Operations Unit-CAR; Regional Intelligence Division; Regional Intelligence Unit 14; at ang Philippine Drug Enforcement Agency CAR.

Agad na sinunog sa lugar ang lahat ng nadiskubreng tanim na marijuana bilang bahagi ng standard operating procedure ng mga awtoridad.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang posibleng taniman sa mga karatig-lugar, gayundin ang mga indibidwal na nasa likod ng iligal na pagtatanim ng marijuana.

Source: PRO CAR

Leave a Reply