7 Menor de edad na nirecruit online para magsagawa ng mass shootings, narescue ng PNP ACG

0
146

Matagumpay na narescue ng mga awtoridad ang pitong menor de edad na pinaniniwalaang nirecruit umano online upang magsagawa ng bayolenteng aktibidad, ayon sa Philippine National Police (PNP) nito lamang Lunes.

Pinangunahan ang operasyon ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) matapos silang makatanggap ng intelligence report mula sa mga foreign law enforcement partners kaugnay sa kahina-hinalang aktibidad sa isang online gaming community.

“Authorities said recruitment and psychological influence reportedly took place through chat groups and online discussions within the gaming platforms,” ayon pa sa opisyal na pahayag ng PNP.

“These online groups allegedly encouraged violent acts such as assaults and mass shootings while some conversations also suggested committing suicide after carrying out the attacks,” dagdag pa ng pahayag.

Ayon pa sa pulisya, ilan sa mga mass murderers at mass shooters ang iniulat na ini-idolo sa mga talakayan ng grupo.

Agad namang inatasan ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., ang PNP ACG na paigtingin pa ang pagpapatupad ng monitoring sa lahat ng mga online gaming communities at chat platforms kung saan posibleng naroroon ang mga extremist recruiters na balak biktimahin ang mga menor de edad.

Dagdag pa ni PGen Nartatez, na pinag-aaralan na rin ng pamahalaan kung sapat ba ang mga naunang batas upang maagapan ang nasabing mga pangamba. Nanawagan din siya sa lahat ng mga magulang na imonitor ang aktibidad ng kanilang mga kabataan partikular na sa online.

“Maging ‘digital guardians’ po tayo. Huwag nating iwan ang mga bata na sila lang ang kausap ng screen. Alamin ninyo kung sino ang kalaro nila,” saad pa ni PGen Nartatez.

“Gaming is a social space. If you wouldn’t let a stranger into your house, don’t let them into your child’s headset or chat box,” dagdag pa niya.

Source: https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/980184/pnp-acg-rescues-7-minors-allegedly-recruited-online-for-mass-shootings/story/

Leave a Reply