Parang, Maguindanao – Naaresto ng PNP ang Top 7 Most Wanted Person ng North Cotabato Police Provincial Office noong Abril 11, 2022 sa kasong murder.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Joseph Macatangay, Chief of Police ng Parang Municipal Police Station, ang suspek na si Reynaldo Elbero Millan alyas Jimboy Emok, 55, at residente ng Talisay Brgy. Poblacion 1, Parang, Maguindanao.
Ayon kay PLtCol Macatangay, naaresto ang suspek sa Brgy. Poblacion 2, Parang, Maguindanao ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng Parang MPS; 1402nd Regional Mobile Force Company; Regional Mobile Force Battalion 14; Regional Intelligence Unit 15, Regional Intelligence Division PRO BAR; at Arakan MPS; North Cotabato PPO.
Ayon pa kay PLtCol Macatangay, ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa Article 248 ng Revised Penal Code o Murder.
Samantala, pinuri ni Police Brigadier General Arthur Cabalona, Regional Director, PRO BAR, ang walang patid na pagsisikap ng mga operating unit para sa pag-aresto sa mga wanted person.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz