Serbisyo at Malasakit: Natonin PNP, inihatid ang isang nanghihinang Lola sa ospital

0
243

Nagpakita ng malasakit at tunay na diwa ng paglilingkod sa kapwa ang mga tauhan ng Natonin Municipal Police Station (MPS) matapos tulungan ang isang matandang babae na makarating sa ospital para sa kinakailangang pagpapatingin. Dahil sa hirap nitong makalakad, agad na umaksyon ang mga pulis upang matiyak na ligtas siyang madadala sa pagamutan.

Sa pagpapakita ng pag-aaruga at paggalang, walang pag-aalinlangang binuhat ng mga pulis ang matanda at maingat na dinala sa sasakyan ng pulisya upang maisakay patungo sa ospital.

Ang simpleng hakbang na ito ay nagpakita ng malasakit ng mga alagad ng batas sa kapakanan ng mamamayan, lalo na sa mga nangangailangan ng agarang tulong.

Ipinapakita ng naturang insidente na hindi lamang pagpapatupad ng batas ang tungkulin ng Philippine National Police (PNP), kundi maging ang pagbibigay-serbisyo at pagdamay sa komunidad. Patunay ito na sa oras ng pangangailangan, handang tumulong ang mga pulis upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.

Source: PNP Mt. Probince Natonin

Leave a Reply