Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang apat (4) na suspek matapos mahuli sa aktong pagbebenta ng iligal na droga noong Oktubre 13, 2021 sa Dasmariñas City.
Bandang 3:40 ng hapon nang isagawa ng Special Operations Unit-4A, PNP-Drug Enforcement Group kasama ang Intelligence Group at Dasmariñas City Police Station ang isang buy-bust operation sa Block 81 Excess Lot, Barangay San Esteban, Dasmariñas City.
Ayon kay PBGen Remus B Medina, Director ng PNP DEG, kinilala ang mga arestadong mga suspek na sina Catherine Padilla Pangan, 40 anyos; Raquel Biguela Apines, 45 anyos; Rafael Aranilla Bugal, 56 anyos; at Rolando Navarro Anquillo, 45 anyos; pawang mga residente ng lungsod.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang humigit-kumulang 150 gramo ng puting mala-kristal na sangkap na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php1,020,000 batay sa Karaniwang Presyo ng Droga; Php1,000 halaga ng boodle money; dalawang (2) cellphone; at Unified Multi-Purpose ID ni Anquillo.
Ang mga suspek kasama ng mga narekober na ebidensya ay nasa pangangalaga ng SOU 4A, PNP DEG para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Photo Courtesy by PNP DEG
#####
Article by Police Corporal Josephine T Blanche