Valencia City, Bukidnon– Arestado ang Top 10 Most Wanted Person (City Level) sa kasong murder sa isinagawang Manhunt Charlie ng Valencia PNP nitong Abril 11, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jun Mark Lagare, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang suspek na si Glibolegaya Juluis y Malerong, 19, at residente ng Purok 2 Brgy. Poblacion, Valencia City.
Ayon kay Police Colonel Lagare, bandang 12:45 ng hapon naaresto ang suspek sa Purok 4, Poblacion, Valencia City, Bukidnon ng mga operatiba ng Valencia City Police Station at 1003rd Maneuver Company-Regional Mobile Force Battalion 10.
Si Juluis ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong murder na may Criminal Case No. 7928-21V na walang inirekomendang piyansa.
Binigyang puri naman ni PCol Lagare ang Bukidnon PNP sa agarang pag responde at sa walang humpay na kampanya para tugisin at mapanagot sa likod ng rehas ang mga may sala sa batas.
###
Panulat ni Patrolman Joshua C Fajardo / RPCADU 10
Mahusay tlaga ang mga pulis dire daghan salamat sa pagdakop s mga wanted n yan