PLtGen Ignacio, binigyang-pugay sa isinagawang Oath-Taking and Donning of Ranks Ceremony

0
363

Pormal nang nanumpa sa tungkulin, kasabay ang pagsuot ng kanyang ikatlong bituin bilang tanda ng kanyang promosyon si PLtGen Neri Vincent D. Ignacio, The Chief Directorial Staff, sa ginanap na Oath-Taking at Donning of Ranks Ceremony noong Marso 11, 2026 sa PNP Officers’ Star Lounge ng Camp Crame. Ang naturang seremonya ay mahalagang yugto sa kanyang patuloy na paglilingkod sa Philippine National Police.

Pinangunahan ang seremonya ni PLtGen Bernard M. Banac, The Deputy Chief PNP for Administration, na siyang nangasiwa sa panunumpa at donning of ranks ni PLtGen Ignacio. Ang okasyong ito ay sumisimbolo sa pagkilala ng pamunuan sa dedikasyon, kakayahan, at matagal nang serbisyo ng opisyal sa hanay ng pambansang pulisya.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina PLtGen Edgar Alan O. Okubo, The Deputy Chief PNP for Operations, at PMGen Constancio Chinayog Jr., Director for Personnel Records and Management. Nakiisa rin ang pamilya at mga kasamahan ni PLtGen Ignacio upang saksihan ang mahalagang sandali sa kanyang propesyonal na buhay at ipakita ang kanilang buong suporta.

Ang promosyon ni PLtGen ay patunay ng patuloy na pagpapahalaga ng organisasyon sa kanyang mahusay na pamumuno at tapat na serbisyo. Inaasahang higit pa niyang mapapalakas ang mga programa ng pulisya tungo sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply