Bacacay, Albay – Arestado ang Top 8 Municipal Most Wanted Person sa kasong Rape sa operasyon ng Bacacay PNP nitong Sabado ng hapon, Abril 9, 2022.
Kinilala ni Police Major Michael Lorilla, Chief of Police, Bacacay Municipal Police Station, ang suspek na si Danilo Balaguer Abion, 66, trabahador, may asawa at residente ng Purok 3, Barangay Namanday, Bacacay, Albay.
Ayon kay PMaj Lorilla, naaresto ang suspek sa nasabing barangay ng mga tauhan ng Bacacay MPS.
Ayon pa kay PMaj Lorilla, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na may inirekomendang piyansa na Php120,000.
Ang Bacacay PNP ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong nakipagtulungan para masugpo ang kriminalidad at mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa bayan ng Bacacay.
Source: Bacacay MPS
###
Panulat ni Patrolman Jomar Danao
Good job PNP dyos mabalos