Davao City – Nabahagian ng school supplies ang 51 na batang mag-aaral sa tulong ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Team Paquibato sa Barangay Salapawan, Paquibato District, Davao City, nito lamang Lunes, Abril 11, 2022.
Sa pangunguna ni PLt Leonardo Bariquet Jr., Team Leader at Ms. Jovelyn Manoyog, Homebase Daycare Worker ay matagumpay na naipamahagi sa mga mag-aaral ang mga school supplies na naglalaman ng pad paper, pencils, eraser, sharpener at ruler.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat si Ms. Manoyog sa R-PSB Team at lalo na sa stakeholder ng nasabing school supplies na donasyon galing sa OCRAM MOTO TV and Dreamline Express.
Ang simpleng tulong na ito ng R-PSB ay nakapagbigay saya sa mga mag-aaral at upang mahikayat din sila na lalo pang pagbutihin ang kanilang pag-aaral.
Samantala, hindi naman ititigil ng PNP ang ganitong tulong sa pamamagitan ng programa ng R-PSB na kahit sa simpleng paraan ay natutulungan ang mga kababayan natin lalo na sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS).
###
Panulat ni Patrolman Rhod Evan Andrade