Menor de edad sa Hilongos, Leyte, narescue ng PNP sa pamamagitan ng 911 Call

0
148
Screenshot

Matagumpay na narescue ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang isang 13-year-old na babaeng menor de edad mula sa Barangay Poblacion 2, Hindang, Leyte na inabandona umano nito lamang March 10, 2026.

Matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen gamit ang Unified 911 Emergency Hotline, agad na nagresponde ang mga tauhan ng Hilongos MPS sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Ambrocio V Demain, Chief of Police, kung saan naabutan nila ang menor de edad sa Brgy. Concepcion, Hilongos, Leyte.

Ayon sa ulat, dinala umano ang nasabing menor de edad sa barangay noon pang February 26, 2026, ng isa pang hindi nakikilalang menor de edad at basta na lang iniwan doon.

Agad namang dinala ang narescue na menor de edad sa tanggapan ng Hilongos MPS para sa pagbibigay ng nararapat na assistance at dokumentasyon. Ligtas namang naiturn-over ang naturang menor de edad sa kanyang tatay.

Binigyang-diin naman ni Police Colonel Dionisio DC Apas Jr., Provincial Director ng Leyte PPO, ang kahalagahan ng Unified 911 Hotline para sa lahat ng ating mamamayan na nangangailangan ng agarang police responses.

“The swift rescue highlights the importance of community vigilance and the proper use of the Unified 911 Emergency Hotline. I commend the Hilongos MPS personnel for their prompt response and dedication to ensuring the safety of the minor. We encourage the public to immediately report incidents and other emergencies through 911 so authorities can respond promptly and prevent potential harm,” saad pa ni PCol Apas.

Leave a Reply