RD ng PRO 3, dumalaw sa burol ng nasawing pulis sa Bulacan

0
181

Naglaan ng oras si PBGen Jess B. Mendez, Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3, upang dumalaw sa burol ni PMSg Jose Uring ngayong Marso 11, 2026, bandang 11:20 ng umaga, sa Chapel of Brooklyn Heights sa Barangay Panginay, Guiguinto, Bulacan.

Ang pagbisita ng opisyal ay tanda ng taos-pusong pakikiramay at pagbibigay-suporta sa pamilya ng nasawing pulis.

Si PMSg Uring, 50 taong gulang, ay nakatalaga sa Bulacan Provincial Intelligence Unit na nakabase sa Camp Gen. Alejo Santos sa Malolos City.

Ayon sa ulat, binaril siya sa likod ng ulo bandang 9:57 ng gabi sa basketball court ng Brooklyn Heights Subdivision matapos dumalo sa caucus para sa nalalapit na eleksyon ng mga opisyal ng Homeowners Association sa Barangay Panginay.

Naninirahan ang nasawing pulis sa Brooklyn Heights Subdivision sa Barangay Tuktukan. Kilala umano si PMSg Uring sa kanyang dedikasyon sa serbisyo bilang bahagi ng intelligence unit ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan.

Ang pagdalo ni PBGen Mendez sa burol ay simbolo ng pakikiisa ng buong pambansang pulisya sa pamilya ng kanilang nasawing kasamahan. Ipinapakita rin nito ang pagpapahalaga ng organisasyon sa sakripisyo at tapat na paglilingkod ng mga pulis na patuloy na nagsisilbi para sa kapayapaan at kaligtasan ng komunidad.

Source: PRO 3

Leave a Reply