Ifugao PPO, nagsagawa ng Women’s Month Outreach sa liblib na barangay sa Mayoyao, Ifugao

0
126

Sa kabila ng layo ng lugar mula sa kabihasnan, matagumpay na nagsagawa ng outreach activity ang Ifugao Police Provincial Office (IPPO) sa Barangay Maguitawa, Mayoyao, Ifugao noong Marso 7, 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month. Layunin ng aktibidad na maihatid ang tulong at serbisyo ng pulisya sa mga mamamayan sa malalayong komunidad.

Pinangunahan ang programa sa ilalim ng pamumuno ni PCol Jeremias G. Oyawon, Provincial Director ng Ifugao PPO, habang isinakatuparan ito ng Provincial Community Affairs and Development Unit (PCADU) sa pangunguna ni PLtCol Dwight L. Fagyan. Nakiisa rin sa aktibidad ang mga tauhan mula sa Provincial Headquarters, 1st at 2nd Ifugao Provincial Mobile Force Company, at Mayoyao Municipal Police Station.

Bagama’t kinakailangang marating ang komunidad sa pamamagitan ng bangka dahil sa lokasyon nito, ipinakita ng mga pulis ang kanilang dedikasyon upang maihatid ang kinakailangang tulong sa mga residente. Ipinamahagi sa mga daycare, kindergarten, at mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6 ang mga donasyong school supplies, bag, tumbler, tsinelas, sumbrero, hygiene kits, at iba pang mahahalagang gamit. Nabigyan din ng tulong ang ilang Persons with Disabilities (PWDs) sa lugar.

Bukod sa pamamahagi ng tulong, nagkaroon din ng mga palaro na may kaakibat na premyo para sa mga bata at libreng gupit para sa ilang mag-aaral at miyembro ng komunidad. Ang mga aktibidad na ito ay nagbigay ng saya at nagpatibay ng ugnayan sa pagitan ng pulisya at ng komunidad.

Isinagawa ang outreach program sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd), Municipal Local Government Unit ng Mayoyao, at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) – Ifugao Chapter. Naging posible rin ang aktibidad sa tulong ng grupong “The Clan.”

Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, patuloy na ipinapakita ng IPPO na ang tunay na serbisyo publiko ng PNP ay hindi lamang pagpapatupad ng batas kundi pati pag-abot ng malasakit, tulong, at pag-asa sa mga pamayanang higit na nangangailangan.

Source: Ifugao PPO

Leave a Reply