Hinobaan, Negros Occidental– Patay ang isang gurong babae at asawa nito matapos barilin ng principal sa isang paaralan sa Negros Occidental nito lamang Martes, Abril 12, 2022.
Ayon kay Police Major John G Ganzon, Hepe ng Hinobaan Police Station, bandang 8:00 ng umaga nangyari ang pamamaril sa loob mismo ng paaralan sa Bilbao Uybico Senior High School Building Barangay Pook, Hinobaan, Negros Occidental.
Kinilala ni PMaj Ganzon ang suspek na si Warren L. Escosar, principal ng nasabing paaralan at napag-alaman na matapos nitong pagbabarilin ang mag-asawang biktima ay nagpakamatay ito sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili.
Ayon pa kay PMaj Ganzon, ang mga biktima ay kinilalang sina Alvarisa A. Arroy, guro ng naturang paaralan at ang kanyang asawa na si Christopher Arroy.
Samantala, kasalukuyan pang iniimbestigahan ng PNP ang sanhi at motibo ng pamamaril.
Pinaalalahanan naman ni Police Major Ganzon ang publiko na hangga’t maaari ay maging mahinahon sa lahat ng oras para hindi humantong sa ganitong pangyayari.
###