2nd Palawan PMFC: Gulong ng Pag-asa, hatid ang tulong at pag-asa sa isang PWD sa San Vicente

0
273

Muling ipinamalas ng 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company ang malasakit at dedikasyon sa paglilingkod sa pamamagitan ng kanilang programang “Gulong ng Pag-asa” sa isang Person with Disability (PWD) sa Barangay Port Barton, Palawan noong Pebrero 28, 2026.

Ang benepisyaryo sa nasabing programa ay si Ginoong Roger Cabab, 67 taong gulang at residente ng nasabing barangay.

Ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan katuwang ang Rotary Club of Roxas, bilang patunay ng matibay na ugnayan ng kapulisan at mga civic organizations sa paghahatid ng serbisyong makatao sa komunidad.

Ang “2nd Palawan PMFC Gulong ng Pag-asa” ay isang best practice program ng 2nd Palawan PMFC na may layuning magbigay ng agarang tulong sa mga Persons with Disability (PWD), senior citizens, at iba pang indibidwal na may limitadong kakayahang makagalaw.

Nilalayon ng programa na mapabuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay, maibsan ang kanilang pisikal na hamon, at maipadama ang tunay na malasakit ng kapulisan sa bawat miyembro ng komunidad.

Sa pamamagitan ng pagkakaloob ng wheelchair, inaasahang mapapadali ang pang-araw-araw na gawain at paggalaw ni G. Cabab, gayundin ang kanyang pakikisalamuha sa komunidad.

Patuloy na pinagtitibay ng 2nd Palawan PMFC ang kanilang pangakong hindi lamang maging tagapagpatupad ng batas kundi maging katuwang ng mamamayan sa pagsusulong ng kapakanan, pagkakaisa, at pag-asa para sa lahat.

Source: 2nd Palawan PMFC / https://www.facebook.com/share/p/1ENXW4xSw4/