Greenhills, San Juan City – Idinaos ng Eastern Police District sa pamumuno ni PBGen Orlando Yebra, Jr. ang 5th District Joint Peace and Security Coordinating Council noong Biyernas ng hapon, Abril 8, 2022 sa Promenade Mall, Greenhills, San Juan City.
Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ni Atty. Dinah A. Valencia, Chairwoman, DJPSCC at dinaluhan ng Election Officers ng apat na lungsod ng Metro-East, Commanders ng JTF-NCR mula sa AFP, EPD Command Group, COPs PaMaMariSan CPS, D-Staff, personnel ng DOPD at San Juan CPS, mga kinatawan mula sa AFP, MMDA, COMELEC, BFP, BJMP, DEpEd at iba pang ahensya ng gobyerno at pribadong ahensya.
Nakatuon ang DJPSCC sa mga update at paghahanda para sa pagsasagawa ng isang ligtas at mapayapang Pambansa at Lokal na Halalan 2022 sa loob ng Metro East area.
SOURCE: EPD Ang Pamamarisan FB
###
Panulat ni NUP Loreto B Concepcion