Caloocan City – Tinatayang Php918,000 halaga ng shabu ang nasabat sa tatlong suspek sa buy-bust operation ng Caloocan PNP nito lamang Linggo, Abril 10, 2022.
Kinilala ni District Director Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr, ng Northern Police District ang mga suspek na sina Regina Joan Cruz y Adajar alyas “Joan”, 40, residente ng Gilmar Place, Brgy. 168, Deparo, Caloocan City; Jhunrey Lomonggo y Sabangan, 30 at Christian Salinel y Atule, 21, parehong residente ng Freetown St., Vista Verde North Caybiga, Caloocan City.
Ayon kay PBGen Hidalgo Jr, bandang alas-12:10 ng madaling araw nang mahuli ang mga suspek sa Gilmar Place, Barangay 168, Deparo, Lungsod ng Caloocan ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit- Caloocan CPS, RMFB-NCRPO at PDEA-RONCR.
Ayon pa kay General Hidalgo Jr, nakumpiska sa mga suspek ang isang buhol na transparent plastic sachet, tatlong medium size at dalawang small size na heat-sealed transparent plastic sachet na pawang naglalaman ng hinihinalang shabu, pekeng pera na ginamit bilang buy-bust money at isang pouch na kulay asul.
Sa kabuuan, ang nakumpiskang droga ay tumitimbang ng humigit-kumulang 135 gramo at nagkakahalaga ng Php918,000.
Mahaharap ang mga suapek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP ay patuloy na paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad para sa mas mapayapa at ligtas na kumonidad.
Source: NPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos
Good job husay talaga ng mga kapulisan